top of page

Part 1 :: Affiliate Marketing?

Updated: Oct 26, 2018



"Working smart would pay as much as hard work", iyon ay kung alam mo kung paano gumawa nang may diskarte at tamang strategy at doon nakilala ang affiliate marketing.

Ano Ang Affiliate Marketing?


Ayon sa mga Entrepreneur, ang affiliate marketing ay “paraan ng isang company upang maibenta ang kanilang mga produkto o serbisyo sa pamamagitan nang pagkontrata sa isang indibidwal o company (“affiliates”) na siyang mag mamarket nang kanilang produkto o serbisyo at magkaroon nang commission, more technically, ito ay uri ng marketing kung saan kikita ka base sa performance ng sales.


Hindi katulad nung traditional method nang "affiliate marketing" sa totoong buhay, ang mga affiliate marketers ngayon ay hindi na kailangan mag door-to-door para lamang makabenta--kailangan na lang nila ngayon ay computer, internet connection, platform para i-market ang mga products/goods, at exposure sa target market kung saan ibinebenta ang product.



Kung sino ka as an affiliate? isipin mo na ikaw yung tao na nasa harapan nang computer na ipinapakilala ang ibat-ibang produkto kung saan hindi ka naman nag invest nang pinansiyal sa iyong target market, at saka naipaaabot mo sa mga tamang tao ang impormasyon, na maaaring hindi pa sila pamilyar sa produkto ngunit sila ay nagiging interesado.


Gamit ang internet na iyong platform at ang mga tao ang iyong target market, affiliate marketing is a viable business na tunay ngang magbibigay sa iyo ng passive income.


Madali Ba Ang Affiliate Marketing?


Oo, at hindi.



Kung ikaw ay isang matagal nang marketer at maraming followers sa iyong online market at mayroon ka nang sarili mong platform gaya nang iyong website, blog, o di kaya social media , samakatuwid ang pag mamarket sa kanila ay isang napakalaking advantage at madali lang dahil sa lawak nang connection mo, sa dami nang followers, at good traffic sa iyong platform. Isa ito sa mga rason kung bakit sinasabi nila na "malaki ang kita sa Internet/Online".


Ngunit dahil din sa nature nang Internet, sa lawak nang nasasakupan nito at mga binubuo, sa dami nang sangay at dami nang tao Online, mahihirapan ang isang baguhan na babago pa lamang nag-uumpisa sa ganitong larangan. Parang isang estudyanteng bagong pasok sa paaralan, ang sino mang bago sa online marketing scheme ay hindi pa kilala, wala pang followers o kahit anong authority sa kanyang niche.



Thank you for reading my blog today. If you want to Learn more About Affiliate Marketing, Start your Online Business and Managing your Own Website with Blog Features. Don't hesitate to Contact me. Let's Start Helping and Inspiring Others.


May natutunan ka ba sa Article na ito? Leave your comments and don't forget to share this to your Facebook para makita nang iba.






50 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page