top of page

Paano Kumita Through Affiliate Marketing?

Updated: Oct 26, 2018

Ang mga tao na walang sarili nilang produkto ngunit marunong mag-generate nang sales ay nagkakaroon nang kumisyon base sa kanilang performance, yan ang konsepto nang Affiliate Marketing.


Isama mo pa ang Internet, ang ganitong business model ay mas lalong pinadali sa pamamagitan nang pag-gamit nang mga high-tech methods para i-track ang sales, i-automate ang business, at magkaroon nang time freedom doing business nang hindi na kailangang lumabas nang bahay.


Ang mga modernong businesses ngayon ay gumagamit na nang automation, epektibong sales funnel, email marketing, at iba pang tools na makapagpapadali na ibenta ang kanilang produkto at mabawasan na ang personal o harapang pakikipag-transaction.


Bilang isang affiliate, meron kang kakayahan para gumawa o guamamit ng special tracking URLs. Kapag may nag-click, ang URL na ito ang magsasabi na ikaw nang nakapagpapunta nang traffic sa kanilang site. Nalalaman nila ito dahil sa ibinigay nila sa iyo na "unique affiliate link".


Ipagpalagay natin na nag popromote ka nang produkto nang isang company, meron kang affiliate link, mayroong nag-click sa iyong link at nagustuhan ang produkto at bumili sila nito, sa iyo mapupunta ang commission.


Paano naman kung hindi agad sila bumili? Kung ang isang user ay nag click sa iyong link at umalis sa website nung araw na iyon nang walang binili, sila ay maituturing pa rin na customer dahil sa tracking cookie. Ito yung mga cookie na naiiwan sa browser nang user simula nung nag click sila sa link mo. Kayat kung sakali mang mag log in ulit sila sa computer at magdecide na bumili, ikaw pa rin ang magkakaroon nang credit sa sale o benta.



Ang Affiliate Marketing ay siyang bukod tanging paraan kung paano kumita online ang isang indibidwal, at marami sa mga affiliates ngayon ay kumikita na nang malaki, thousands, even ten thousands of pesos every month.


Kagandahan din sa affiliate marketing, ang ginagawa mo ay hindi nakatali sa iyong income. Minsan, kailangan mo lang mag set-up nang marketing campaign para sa isang partikular na product or item, at ito na ang bahalang magbenta para sa iyo. Ang mismong set-up ay kayang gawin nang kahit isang oras lamang.


Sa tabaho or day-job, babayaran ka base sa oras na ginugol mo at mahihinto ito kapag tumigil ka din sa pagtatrabaho. Pero sa affiliate marketing, patuloy ang pasok nang income for months o kahit years after nang iyong initial investment nang iyong time at effort.


Kung sakali man gumawa ka nang isang page na nagtuturo sa mga tao o small business tungkol sa mga bagay na experto ka at makakatulong sa kanila.


Nagsusulat ka nang mga articles tungkol sa mga topic, kung paano ang ganito, mga bagay na kailangan nila para kumita, at kung ano-ano pa.. at dun isisingit mo ang iyong affiliate link. Ang mga articles mo ay maaaring naka-link sa ibang site, naka indexes sa ibang search engines, at nakapromote sa social media nang mga tao or followers mo na nagustuhan ito.. patuloy ang pagdami nang traffic sa iyong website galing sa ibat ibang sources, hindi malabong magkaroon ka nang sales or income from your affiliate business.


Sa paglipas nang panahon, makakabuo ka nang dose-dosena o di kaya'y libo-libong articles, blog posts, at website na magdadala nang traffic papunta sa website nang produkto na ipino-promote mo. Makikita mo, hindi ka lang kumikita, bagkus na i-enjoy mo pa ang iyong passion sa pagsusulat at nakapagbibigay ka nang value sa iba. What you write in your articles and blogs are your gift to the world.


Ganito kung paano kumita sa Affiliate Marketing, kailangan mo lang nang tamang strategy, tamang tao na mag-gagabay sa iyo at tamang tools na magagamit mo para kumita sa Internet.


Thank you for reading my blog today. If you want to Learn more About Affiliate Marketing, Start your Online Business and Managing your Own Website with Blog Features. Don't hesitate to Contact me. Let's Start Helping and Inspiring Others.


May natutunan ka ba sa Article na ito? Leave your comments and don't forget to share this to your Facebook para makita nang iba.






87 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page