top of page

Paano Gumawa Nang Isang Blog Post?

Updated: Jul 17, 2019


Meron ka nang website at nakapili ka na nang magandang theme para sa disenyo nang Blog post page mo. Gusto mo nang mag-gawa nang Blog pero hindi mo alam kung paano mag uumpisa.


Narito ang ilan sa mga Tips para sa structure nang iyong Blog post.


01. Killer Headline


Ang iyong headline ang nararapat na unang mapansin. Kung ang title nang iyong blog ay mapukaw ang attensiyon nang iyong mambabasa, nasisiguro kong madami ang mag ki-click papunta sa website mo.


Paano gumawa nang headline na magiging angat sa karamihan? Ito ang ilan sa mga Pro-Tips

  • Gawin mo ang header mo ay maikli at maka agaw pansin. Halimbawa: Mga Sangkap Sa Pagpapaunlad Sa Sarili

  • Batuhin mo sila nang Tanong. Halimbawa: Alin Ang Mas Profitable? Sa Traditional Or Sa Online Business?

  • Ang bawat tao ay madaling mahikayat sa mga may bilang. Halimbawa: Top 10 Online Business Ideas

  • Ipakita mo ang pagbibigay mo nang Value sa kanila sa pagbabasa nila nang iyong blog. Halimbawa: The Complete Guide To Start An Online Business This 2018

02. Intro


Okay, nakagawa ka na nang Killer Headline. Ngayun naman ay kung paano mo sila mapapanatili sa iyong blog at basahin ang post mo.


Narito ang mga importanteng parte nang introduction. Sa kaunting pangungusap. Ang mga tao ay gustong malaman na tama ang pinuntahan nilang article na kung saan sila nagka interest na basahin at di sila madis-appoint. Pro-tip: Huwag kang magsulat nang Intro na singhaba nang dalawang pahina. Panatilihin mo lamang siyang maikli at nababasa into normal reading pattern (Write Your text for diagonal reading)




03. Diagonally


Karamihan sa mga tao ay nagmamasid muna sa isang page nang blogpost kesa basahin siya nang buo. Normal lang yun para sa isang mahabang article, tinitingnan kasi nila kung nandun ba yung mga impormasyon na kailangan nila. Kaya nararapat na gumamit ka nang mga Sub-headings upang hatiin ang mga mahahalagang impormasyon nang iyong blog. Gumamit ka nang mga bold fonts and italics upang i-emphasize ang isang mahalagang salita.


04. Text and Pictures


Bilang karagdagan sa iyong magandang isinulat. Mahalaga din na mag lagay ka nang mga larawan na naaayun sa iyong content, isang magandang paraan din iyon upang hindi maumay ang mambabasa sa bawat letra nang iyong post bagkus magkaroon sila nang kapahingahan sa iyong mga larawan.




05. Quality Over Quantity


Maikli o mahaba? walang sikretong formula para sa isang blog. Ang mahalaga ay ang content nito na magbibigay sa kanila nang dahilan upang bumalik palagi sa website mo kapag may bago kang blog, at siyempre dapat ang iyong content ay mayroong Value.


06. Engaging Note


Sharing is caring, tama? Mabuting nandoon ang lahat nang iyong Social Channels sa iyong Blog page upang masa madali nila itong i-share sa FB, Twitter etc. Sabihin mo sa kanila na i-share ang iyong post kung ito ay nakatulong sa kanila. At sa paraan na ito, makakapag build ka na nang followers sa bawat makakaita nang iyong blog post.


07. Keep At It


Ang lahat nang Tips na nandito para sa istraktura nang iyong blog ay makakatulong sa iyo para magkaresulta. Ang tagumpay nang iyong blog ay nababatay sa iyong Subject an pag tutuunan mo nang pansin, kung paano mo sila i-approach sa iyong topic at ang flow nang iyong content. Lahat anng bagay ay napag aaralan, walang nagumpisa na marunong agad kaya sa pagdaan nang panahon, ma-dedevelop mo din ang iyong skills sa pagsusulat.




Thank you for reading my blog today. If you want to Learn more About Affiliate Marketing, Start your Online Business and Managing your Own Website with Blog Features. Don't hesitate to Contact me. Let's Start Helping and Inspiring Others.


May natutunan ka ba sa Article na ito? Leave your comments and don't forget to share this to your Facebook para makita nang iba.





211 views1 comment

Recent Posts

See All
bottom of page