
Malapit na ang kapaskuhan at alam natin na ito ang pinakahihintay ng mga bata para sa pagkakataong makatanggap ng aguinaldo. Nakakatuwa din na ibat-ibang mga mensahe ang nais ipahiwatig ng kanilang mga Ninong at Ninang sa Facebook para sa kanilang mga Inaanak.
Narito ang ilan sa mga FB post na nakita ko at maaaring maka-relate kayo.
1. May Requirements

Post na nakadetalye ang mga kailangang requirements para mai-claim yung regalo ng inaanak. Para lang din nag-aaply. Kaya kapag walang requirements, walang regalo.
2. Kilalanin ang Beinte

Post na minimum lang na bente ang matatanggap ng inaanak sa kanyang Ninong o Ninang. Ito ay bilang pagpupugay kay President Manuel Quezon.
3. Umanib Sa Kilusan

Post ng isang Ninong na umanib sa kilusan, iniwan ang buhay sa kapatagan. Handang lumantag makatapos ang kapaskuhan.
4. Ganda Lang Ang Meron

Post ng isang Ninang, na walang mibigay sa inaanak ngayong Pasko. Kagandahan lang ang meron siya.
5. Payo Sa Inaanak

Post na nagbigay ng tunay na kahulugan ng pagiging pangalawang Magulang sa isang inaanak. Hindi basehan ang halag ng pera o regalo na matatanggap.
Ang tunay na diwa ng Kapaskuhan ay pagbibigayan. Minsan lang yan sa isang taon, hindi lang naman pera o regalo ang maaari mong maibigay.. kundi ang pagmamahal at pagiging responsable mo bilang pangalawang magulang sa iyong inaanak.
Advertisement
Paano magsimula nang Online Business or Kumita Online.
FREE Video training kung saan din ako nagsimula.
Just click the Image and Click the Get Started button. The info details will be send directly to your messenger.
Thank you for reading my blog today. Leave your comments and don't forget to share this to your Facebook if nagustuhan mo.
Comentarios