top of page

Bakit Kailangan Mo Nang Magsimula Ng Sarili Mong Online Business?

Updated: Oct 26, 2018


Maraming Tao ang nagkakamali sa pag iisip na ang mga Internet Opportunities ay tapos na, pero dun sila nagkakamali. Nalipasan na sila nang opportunidad na kumita nang daang libo, o di kaya milyon sa internet gamit lamang ang computer. Karamihan sa kanila ay hindi alam na ang pag Kita sa Online ay nandiyan lamang para tangkilikin nila. Ngayon ang mas tamang panahon upang bumuo ka nang sarili mong Online Business kesa noong nakaraang Sampung Taon.


Naniniwala ako na ang Online Business ay makakatulong na makapagpabigay nang malaking income sa isang tao. Bakit Kamo? Dahil parami na nang parami ang gumagamit nang Internet para kumuha nang impormasyon! Ang kagandahan doon, hindi lang sila naghahanap nang libre, meron din na handang magbayad nang malaki makuha lang ang impormasyon na hinahanap nila at doon sila masaya. Pansinin mo, Noon kapag may gusto kang matutunan, pupunta ka sa Library o di kaya Bookstore, gamit ang iyong library card at manghihiram nang libro. Kapag gusto mo nang balita, bibili ka muna nang Diaryo para makibalita.



Ngayon ay nagbago na kaibigan. Welcome to the Information Age. Kung saan ang mga pisikal na libro ay unti unti nang nawawala. Kung saan kung sino man ang mas mabilis makapagbigay nang impormasyon at may abilidad na ipalaganap ito ang siyang nakapuwesto upang kumita nang malaki, maging milyunaryo o bilyonaryo sa mga susunod. Kilala mo ang Google? Naging one of the biggest companies in the world dahil it provides information.


Ayon sa statistics, ang bilang nang tao na gumagamit nang internet ay lumobo nang 600% sa nakalipas na sampung taon. Tinatayang mayroong mahigit sa Tatlong bilyong tao ngayon ang may access sa internet. Ipinapakita sa pag-aaral na 62% sa bawat isa na gumagamit nang internet ay upang makakuha nang impormasyon. At ang bilang na ito ay patuloy na lumalaki. Ipinagpapalagay na sa taong 2020, maaaring mayroong limang bilyong tao ang guamagamit online.


Imagine, kung sakali man na may Online Business ka at nakukuha mo ang tamang mga customer mo online? hindi ba malaki ang posibilidad na kumita sa internet? Kaya sinasabi ko sa iyo, ngayon ang tamang panahon para magsimula nang sarili mong Online Business. Isipin mo din, ang pagbabasa mo nang blog na ito ay isang perpektong halimbawa nang kahalagahan at kapangyarihan nang impormasyon. Pinili mong basahin ito dahil alam mong may matututunan kang bago. Kahit na ikaw at ako ay hindi magkakilala o nagkatagpo nang mukhaan, pero dahil sa internet, nagagawa kong i-share sa iyo ang valuable information na ito.


Inuulit ko, ngayon ang tamang oras para magsimulang kumita online gamit ang internet. Sa patuloy mong pag-babasa nang iba ko pang blogs, matututunan mo ang mga paraan kung paano ka makakapagsimula nang sarili mong Online Business. Pero sa ngayun, gusto kong mag-isip ka muna nang kahit anong profitable topic na alam mo. Dun ka magsimula.



Thank you for reading my blog today. If you want to Learn more About Affiliate Marketing, Start your Online Business and Managing your Own Website with Blog Features. Don't hesitate to Contact me. Let's Start Helping and Inspiring Others.


May natutunan ka ba sa Article na ito? Leave your comments and don't forget to share this to your Facebook para makita nang iba.






407 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page