top of page

6 Types Of SCAM Sa Internet

Updated: Oct 26, 2018


Ang internet ay napakaraming gamit ngayon, ito ay isang mabuting bagay ukol sa pagpapahayag nang iyong opinyon, ito rin ang isang pangunahing dahilan kung bakit maraming bilang ng scams ang naglipana. Sila ay gumagamit ng internet upang itago ang kanilang pagkakakilanlan. Kung ikaw ay malimit sa paggamit ng internet, maaaring nakikita mo na din sila ngunit di napapansin ang kanilang balak. Sa katunayan, ang ilang scams online ay planado mula sa umpisa, kaya hindi mo masasabi kung peke or lehitimo ba



SCAM ALERT

Narito ang ilan sa mga scams na kailangan mong maiwasan.


1. Paypal Scam

Union Bank is the partner of PayPal dito sa Pilipinas. Para sa mga walang EON card, imposibleng makuha ang pera mo nang walang minimal charge. At ang alternatibong paraan ay ang pagkuha nang pera mo from PayPal.


Pangyayari: Sila yung mga nangangako na bibigyan ka na ng cash in exchange ng iyong Paypal funds. Makikita sa ads nila sa Sulit, sinasabing papalitan nila ang paypal funds mo sa tamang presyo or exchange rate. Hihimukin ka din nila na bumili sa kanila online, bilang kapalit nang iyong paypal funds. Kapag nakabili ka na, mag de-deactivate sila nang kanilang Sulit Account, at mapuputol na din ugnayan ninyo sa isat isa or usapan.


Paano Iwasan: Mag avail ka na lang ng EON Card. Ito ang pinakasimple at mas convenient na paraan para makuha ang cash mula sa iyong PayPal.



2. Dating Online Scam


Salamat sa Internet, ilang social media sites like Facebook, possible nang makahanap ang kahit na sino para makakuha nang kapareha. Meron mang ilan nagtatagumpay makita ang kanilang natatangi, meron din naman na ibang hindi pinalad bagkus nakakilala nang scammer.


Pangyayari: Para sa mga nangungulila, pumupunta sila sa mga dating sites para mahanap ang kanilang Pag-ibig. Dito nag te-take advantage ang ibang scammers, hinihingan nila nang pera ang bawat users sa site na iyon. May ilan na nanghihiram nang pera para sa tulong sa kaanak na maysakit, at ang mga bikitma ay magpapadala nang pera gamit ang Western Union at iba pang money transfer.


Paano Iwasan: Huwag magpadala nang pera sa taong nakilala mo lang online, lalo na at hindi mo kakilala.



3. Online Data Entry - Captcha (Free)

Marami sa atin gusto kumita sa online, lalo na kung data entry lang din papatusin na natin. At isa sa mga halimbawa nito ay ay ang "captcha", sign up ka lang sa website nila for FREE at puwede ka na magsimula. Ito yung program na mag ta-type ka nang data base sa lumalabas na imahe sa screen, at the more na mai-type mo nang tama ay babayadan ka as per dollar rate.


Pangyayari: The more na marami kang nagawa na data entry or captcha, the more na malaki ang kikitain mo. Ginagawa mo na siya kahit pagpuyatan mo. Hanggang sa maabot mo na yung minimum payout value. Pero, sa kasamaang palad.. walang payout na dumadating o magaganap.


Paano Iwasan: Kilalanin mabuti ang website na papasukin. Mag search din nang reviews about sa website na nag aalok nang Free Captcha. Meron naman mga Platforms na may minimal Fee para sa membership at makapag data entry ka din or captcha.


Wag hayaang masayang lang lahat nang napagpagudan mo sa huli, dahil lamang sa libre mo siyang sinimulan.



4. Bitcoin Trader Scam

Kilala mo naman siguro ang bitcoin, isa itong crypto currency na kilala ngayon sa online sa dami nang gamit nito. Puwede mo itong i-trade, or mag buy and sell para pag kakitaan. At dahil sa katangiang ito, sinamantala din ito nang mga scammers.


Pangyayari: Ipakikilala nila sa iyo ang Bitcoin, mag invest ka lang sa kanila nang ganitong amount at madodoble ang pera mo in just four weeks or 1 month. Ang investment mo daw ay ibibili nang Bitcoin habang mababa pa ang Value at ipagbebenta ulit kapag tumaas ang value. Bigyan ka pa nila nang sarili mong account at dashboard para ma track ang earnings mo, hihimukin na lakihan ang investment para mas mabilis ang pag doble nang pera. But in the end, under maintenance na ang site, cannot be reached na ang mga leaders.. walang payout encashment na naganap.


Paano Iwasan: Wag basta basta mag iinvest sa bitcoin nang wala kang alam. Ang bitcoin ay hindi scam, ang tao na nanamantala nito ang siyang scammer. Alamin muna at kilalanin ang kausap kung nais mong pasukin ang crypto currency world.



5. Online Shoppe Scam


Para sa mga mahihilig sa mga gadget, bags at mga damit. Kapag tinatamad ka lumabas nang bahay, sa online shoppe ka na lang bumabaling nang attensiyon. Hindi din ito pinalampas nang mga scammers.


Pangyayari: Kapag nakatanggap ka nang item na hindi tugma sa iyong inorder, scam na yan. Maraming balita ngayon sa Online, na ang cellphone na inorder, nang dumating naging surf na sabong panlaba.


Paano Iwasan: Check the comments section at feedback nang mga customers sa ilalim nung item na bibilhin mo, lalo na sa ebay, Sulit, Lazada, or ano mang e-commerce site.


6. You Won! Phishing Email or Text Scam


Ang sarap sa pakiramdam na nanalo ka sa Lotto at pede mo nang i-claim ang pera mo, pero naisip mo bigla.. hindi ka naman tumataya. Isa lang yan halimbawa, paraan din nang mga scammers.


Pangyayari: Nakaresib ka na ba nang email na nananalo ka nang Xbox, Giftcard, Cellphone? Ang iyong cellphone number or email address ay nanalo sa isang electronic raffle. At paano mo makukuha ang iyong napanalunan? Bibigyan ka nila nang website link kung saan kailangan mong ibigay ang iyong debit card or bank information. At pagkatapos, wala kang mareresib na item. Magkakaroon ka lang nang records na gumastos ka gamit ang iyong account nang maraming beses.


Paano Iwasan: Hindi ka mananalo kung wala ka naman sinalihan. At saka, huwag ibigay basta ang iyong bank information sa kung sino man, lalo na sa mga kahina-hinalang website.



 

I hope may natutunan ka ngayun. If you want to learn more kung paano magsimula nang Online Business or Kumita Online. Puwede kong ibigay sa iyo ang FREE Video training kung saan din ako nagsimula.


Just click the Image and Click the Get Started button. The info details will be send directly to your messenger.




 

Thank you for reading my blog today. If you want to Learn more About Affiliate Marketing, Start your Online Business and Managing your Own Website with Blog Features. Don't hesitate to Contact me. Let's Start Helping and Inspiring Others.


May natutunan ka ba sa Article na ito? Leave your comments and don't forget to share this to your Facebook para makita nang iba.




148 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page